115 pang correction officers nakatapos sa kanilang basic at mandatory trainings

115 pang correction officers nakatapos sa kanilang basic at mandatory trainings

Karagdagang 115 na corrections officers ang nagsipagtapos sa kinakailangang basic at mandatory trainings, sa ginanap na simpleng seremonya sa Social Hall ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 14.

Sa datos ng BuCor, umabot na sa kabuuang 3,710 na correction officers ang grumaduate na sa naturang mandatory training.

Sa naturang bilang, 3,067 na bagong recruit ang matagumpay na nakakumpleto sa Basic Training Course para sa Corrections Officer 1 habang 643 na custodial officers ang nagtapos sa kanilang Mandatory Training sa paghahanda para sa kanilang promosyon.

Sinabi ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang kaganapang ito ay nagmarka sa mahalagang hakbang ng ahensiya sa pagpapatuloy nang pagpapahusay nito sa kanyang mga tauhan na ikinatuwa niya.

Binigyang-diin ni Catapang ang importansiya ng propesyunal na pag-angat sa loob ng ahensiya at nangakong sisiguruhin niya na ang mga opisyales ng BuCor ay hindi magreretiro sa pinakamababang ranggo,ang CO1 ay kinukumparang private sa Armed Forces of the Philippines kahit pa makalipas ang mga dekada ng serbisyo.

“It’s disheartening to see someone retire after 30 years of service still holding the rank of CO1. By encouraging them to pursue further education and advance their ranks, we can ensure they enjoy a more dignified retirement with better pensions,” pahayag ni Catapang.

Bilang parte ng isang linggong selebrasyon ng ika-119 taong anibersaryo ng BuCor,isang mass promotion ceremony ang isasagawa bukas, Nobyembre 15, bilang pagkilala sa mga bagong napromote na commissioned at non-commissioned officers.

Isang seremonya naman ng pagpaparangal ang gaganapin upang kilalanin ang model civilian personnel, outstanding junior at senior commissioned and non-commissioned corrections officers, technical officers, best operating prison and penal farm, at best performing office ng BuCor.

Ang inisyatibong ay hindi lamang sumasalamin sa dedikasyon ng mga tauhan ng ahensiya kundi sa pangako ng BuCor na pinakamahusay na pamamahala sa mga kulungan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *