Relihiyon sa Pilipinas tampok sa national costume ni Chelsea Manalo

Relihiyon sa Pilipinas tampok sa national costume ni Chelsea Manalo

Tampok ang mga relihiyon sa Pilipinas sa inirampang national costume ni Chelsea Manalo sa preliminary competition ng Miss Universe.

Suot ni Manalo ang gold dress na mayroong white sleeves.

Mayroon din itong kasamang silver and gold na headpiece at bitbit ang dalawang pamaypay na kahalintulad ng ginagamit sa Philippine Muslim ethnic dance na ‘singkil’.

Ang ibabang bahagi ng kaniyang gown ay mayroong imahe ni Virgin Mary.

Sa post sa kaniyang official Facebook page sinabi ni Manalo na ang national costume na tinawag na “Hiraya” ay likha ni Manny Halasan.

Sumisimbolo umano ang “Hiraya” sa kasaysayan at ugnayan ng Pilipinas at Mexico lalo na pagdating sa relihiyon.

Ipinakikita sa national costume ang makulay at makasaysayang pagsisimula ng relihiyong Kristiyanismo at Islam sa Pilipinas.

Ang Galleon na bahagi ng headpiece ni Manalo ay bilang paglalarawan ng Galleon trade na may malaking papel sa pagpapakilala ng trade at religion sa Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *