Bagyong Pepito isa ng typhoon; Signal No. 2 nakataas sa bahagi ng Northern Samar at Samar

Bagyong Pepito isa ng typhoon; Signal No. 2 nakataas sa bahagi ng Northern Samar at Samar

Lumakas pa ang Severe Tropical Storm Pepito at umabot na sa typhoon category.

Sa weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 630 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 165 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:

– eastern portion of Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig)
– northern portion of Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog)

Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:

– southeastern portion of Quezon
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Masbate

Batay sa forecast ng PAGASA, ang bagyong Pepito ay tatama sa bisinidad ng Catanduanes sa Linggo Nov. 17) ng umaga.

Inaasahan ding lalakas pa ito at magiging typhoon sa susunod na mga oras at aabot sa super typhoon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *