Bagyong Ofel humina; isa na lang severe tropical storm
Patuloy na humina ang bagyong Ofel at isa na lamang Severe Tropical Storm.
Huling namataan ang sentro ng STS Ofel sa layong 215 kilometers northwest ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 135 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong north northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa sumusunod na mga lugar:
TCWS No. 2:
– Batanes
TCWS No. 1:
– northern portion of Cagayan (Pamplona, Claveria, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Ballesteros)
– Babuyan Islands
– northern portion of Apayao (Luna, Santa Marcela, Calanasan) – northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Vintar, Bacarra, Piddig, Carasi)
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Ofel ngayong araw (Nov. 15).
Pero ayon sa PAGASA, posibleng bumalik din ulit ng PAR ang bagyo.
Pananatilihin din ang nakataas na tropical cyclone wind signal sa ilang bahagi ng Extreme Northern Luzon kahit makalabas ng bansa ang bagyo. (DDC)