Bagyong Ofel humina pa; lalabas ng bansa ngayong araw, pero posibleng muling bumalik ayon sa PAGASA
Patuloy na humina ang bagyong Ofel na ngayon ay nasa karagatan ng Calayan, Cagayan.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 kilometer northwest ng Calayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 150 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong north northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa sumusunod na mga lugar:
TCWS No. 3:
– western portion of Babuyan Islands (Calayan, Is., Dalupiri Is., Fuga Is.)
– northwesternmost portion of mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes)
– Ilocos Norte (Pagudpud)
TCWS No. 2:
– rest of Babuyan Island
– northwestern portion of mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros)
– northern portion of Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), – northern portion of Ilocos Norte (Piddig, Bacarra, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos, Pasuquin, Carasi)
TCWS No. 1:
– Batanes
– rest of Cagayan
– northern portion of Isabela (Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini), – rest of Apayao
– Kalinga
– northern and central portions of Abra (Manabo, Pidigan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, La Paz, PeƱarrubia, Dolores, Bangued, Bucay, Daguioman, Lacub, Tineg, Lagayan, Licuan-Baay, Malibcong, San Juan, Lagangilang, Danglas)
– rest of Ilocos Norte, and the northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, San Ildefonso, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente)
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Ofel ngayong araw (Nov. 15).
Pero ayon sa PAGASA, posibleng bumalik din ulit ng PAR ang bagyo.
Pananatilihin din ang nakataas na tropical cyclone wind signal sa ilang bahagi ng Extreme Northern Luzon kahit makalabas ng bansa ang bagyo. (DDC)