3 crew ng nasirang yate sa Occidental Mindoro, nailigtas ng PCG

3 crew ng nasirang yate sa Occidental Mindoro, nailigtas ng PCG

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong crew ng nasiraang yate sa Occidental Mindoro.

Nakatanggap ng impormasyon ang PCG Sub-Station (CGSS) Lubang tungkol sa nagkaproblemang yate na “Annie Kim” sa katubigan ng Barangay Binakas sa bayan ng Lubang.

Naglunsad ang PCG ng search and rescue (SAR) operation at nakita ang yate na bahagya nang nakalubog.

Ang mga nailigtas na crew ay kinabibilangan ng 2 Pinoy at 1 Korean.

Sa imbestigasyon ng PCG, umalis ang yate sa Puerto Princesa, Palawan at patungo dapat ng Subic, Zambales nang makaranas ng malakas na hangin at malalaking alon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *