National Privacy Commission magkakasa ng imbestigasyon sa unathorized transactions na naranasan ng mga user ng GCash

National Privacy Commission magkakasa ng imbestigasyon sa unathorized transactions na naranasan ng mga user ng GCash

Walang nakompromisong personal na impormasyon ng users sa mga naitalang unauthorized transactions sa GCash noong weekend.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), report na isinumite sa kanila ng GCash, tiniyak nitong walang nangyaring data leakage o personal data breach.

Sa kabila nito, sinabi ng NPC na magsasagawa sila ng independent investigation sa nangyari base sa pagpapairal ng Data Privacy Act of 2012 (DPA).

Sa gagawing imbestigasyon, titiyakin ng NPC na protektado ang personal information ng mga GCash user.

Ipinaliwanag ng NPC na ang tanging sakop lamang ng kanilang imbestigasyon ay ang pagprotekta sa personal data.

Para sa ibang concerns na may kaugnayan sa nawalang pondo ng mga user, maaaring humingi ng tulong sa karampatang financial regulatory agency. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *