Milyun-milyong estudyante naapektuhan ng ipinatupad class suspensions dahil sa magkakasunod na bagyo
Milyun-milyong estudyante ang naapektuhan ng mga ipinatupad class suspension dahil sa magkakasunod na bagyong naranasan sa bansa.
Ayon sa DepEd, mayroong 239 na paaralan sa buong bansa ang maituturing na “very high risk” sa learning losses dahil sa mga ipinatupad na class suspensions.
Nasa 4,771 schools naman na mayroong katumbas na mahigit 3.8 million learners ang maituturing na “high risk”
Sa datos ng DepEd ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang nakapagpatupad ng may pinakamaraming bilang ng class suspensions ngayong school year na aabot sa 35.
Ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon ay mayroong 29 na class suspensions.
Nagpatawag naman na ng pulong si DepEd Sec. Sonny Angara sa National Management Committee para sa mga ipatutupad na hakbang para matugunan ang epekto nito sa mga mag-aaral. (DDC)