Higit 800 residente sa Pilar natulungan ng Las Piñas Health and Wellness Caravan
Nagpapatuloy ang pag-iikot sa mga barangay ang health and wellness caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Pin̈as upang maghatid ng libre at mahahalagang serbisyong medikal para sa mga residente.
Sa ginanap na caravan sa Aguilar Sports Complex sa Barangay Pilar, umabot sa mahigit 800 na Las Pin̈eros ang nakatanggap ng komprehensibong mga serbisyong medikal bilang bahagi sa pagsiguro sa epektibong pagtugon ng lokal na pamahalaan sa kalusugan ng komunidad.
Kabilang sa mga benepisyong natanggap ng mga residente ang libreng medical consultations, blood sugar and cholesterol testing, blood typing, ECGs, chest X-rays, at dental treatments.
Kasama rin sa programa ang pamamahagi ng free medications, pneumonia vaccinations para sa senior citizens, lifestyle-related illness risk screening, at assistance sa PhilHealth registration.
Naglagay din ang lokal na pamahalaan ng Green Card Help Desk upang agarang ialok ang suporta para sa hospitalization benefits, at mobile birth registration services gayundin ang free massages sa mga residente.
Personal na tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar ang caravan upang bigyang-importansiya ang madaliang pagkuha ng alagang pangkalusugan para sa lahat ng Las Piñeros.
Kasama ni VM Aguilar si Konsehal Henry Medina kasama ang mga aspiranteng konsehal ng District 2 na sina Lester Aranda, Euan Toralballa, Tito Martinez, at Macky Saito. Ang kanilang presensiya ay sumasalamin sa dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng healthcare services na direkta sa komunidad.
Tiniyak naman ni City Health Office head Dr. Juliana Gonzalez ang pangangasiwa sa maayos at mahusay na operasyon ng naturang proyekto.
Ayon kay Dr. Gonzalez n ang naturang inisyatiba ay mahalaga sa pagsusulong ng mas malusog na komunidad sa pamamagitan ng pagtukoy at pagtugon sa mga alalahaning pangmedikal.
Ang kaganapang ito ay bahagi ng lokal na pamahalaan sa kanyang hindi matatawang pangako sa pagsiguro sa kapakanan ng komunidad at mas malapit na ihatid sa kanilang tahanan ang importanteng alagang pangkalusugan sa lahat ng residente. (Bhelle Gamboa)