Illegal Drug Campaign ng gobyerno suportado ng BuCor

Illegal Drug Campaign ng gobyerno suportado ng BuCor

Buo ang suporta ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mga hakbang ng gobyerno sa pagpapalakas ng kolaborasyon ng administrasyon na labanan ang paglipana ng iligal na droga.

Ibinunyag ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na sa kabila ng mahigpit na ipinapatupad na seguridad, patuloy na nakararanas ang ahensiya ng pagpasok ng contraband gaya ng mga iligal na droga at drug paraphernalia sa loob ng kanilang mga kulungang pasilidad.

Ayon pa kay Catapang kinakailangan ang tulong ng ibang ahensiya ng pamahalaan na isang mahalagang hakbang upang resolbahin ang maraming isyu sa paggamit at pagpupuslit ng droga sa BuCor facilities kaya ito ang nakita niyang rason upang lagdaan ang memorandum of agreement sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at National Bureau of Investigation (NBI) noong Abril 2024.

Ang inter agency collaborative group ay naglagay ng operation center at barracks sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) compound subalit kulang sa mga kagamitan na tutuon sa intelligence gathering, monitoring, at gumawa ng aksyon upang mapigilan ang drug-related activities sa loob ng NBP at iba pang prison and penal farms sa bansa.

Sinabi pa ni Catapang na ng parehong grupo ang nanawagan kay Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla para bigyan sila ng istratihikong guidelines o pamatanyan at marching orders kung paano tugunan ang mga isyu sa iligal na droga.

Idinagdag pa ng BuCor chief na ngayong araw, Nobyembre 13 ay nagsagawa sila ng inter-agency meeting para magpatupad ng mas epektibo at pinatibay pang hakbang upang wakasan ang paggamit ng communication equipments sa loob ng prison facilities.

Sa pahayag ni Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr. na ang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Marcos ay nakatuon sa supply side,kaya naman ibinibigay ng BuCor ang buong suporta niya rito.

Binigyang-diin ng BuCor chief na 70 hanggang 80 porsiyento ng mahigit 52,000 na PDLs sa buong bansa ay nakakulong dahil sa kasong droga.

Hinalimbawa ni Catapang ang report ni NBP Acting Superintendent Corrections Chief Inspector, Roger Boncales, na magmula noong Hulyo 21, 2023 hanggang Oktubre 12, 2024, nasa kabuuang 1,806 persons deprived of liberty (PDLs) ng NBP sa Muntinlupa City ang inilipat sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro kasama na rito ang 170 Chinese nationals na karamihan ay sangkot sa kasong droga.

Batay sa Intelligence reports na maraming criminal organizations ang sangkot sa illegal drug trade sa bansa kabilang ang Chinese Triads, Mexican Cartels, Local Criminal Syndicates, at Ties to Rebel Groups gaya ng New People’s Army (NPA) at Abu Sayyaf Group. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *