Kauna-unahang full-body scanners ng Pilipinas nasa BuCor

Kauna-unahang full-body scanners ng Pilipinas nasa BuCor

Ipinakita ng Bureau of Correction (BuCor) sa media ang dalawang kauna-unahang bagong Soter RS full-body scanners sa Pilipinas, na may abilidad itong madetect anumang uri ng hindi otorisasong items na nakatafo sa katawan ng tao.

“We have decided to deploy these body scanners, the first in the Philippines, initially at the entrance of the National Headquarters’ Administrative Building and the Inmate Visiting Services Unit of the Maximum Security Camp in New Bilibid Prison. This will eliminate the need for strip searches and manual cavity checks on visitors of persons deprived of liberty (PDLs),” paliwanag ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Binanggit pa ng opisyal na ang makabago o advanced scanners na ito ay kayang tumukoy ng items na nakalagay sa kaloob-looban ng ating katawan, mga itinago sa mga damit o sa loob ng pribadong bahagi ng katawan.

“We plan to procure additional scanners for deployment across our prisons and penal farms nationwide,” sabi pa ni Catapang.

Noong Mayo 2024, pinatigil ni Catapang ang strip at cavity searches sa mga bisita o dumadalaw sa mga PDLs matapos makatanggap ng reklamk mula sa dalawang misis ng inmates dahilan upang pag-aralang muli ang naturang procedures o pamamaraan sa kooperasyon ng Commission on Human Rights.

Nilinaw pa ni Catapang na ipinatupad ng BuCor ang strip at cavity searches dahil sa pagdami ng mga bisitang nagtatangkang magpuslit ng mga kontrabando sa loob ng correctional facilities, katulad ng cellphones, chargers, tobacco, at mga illegal na droga na karaniwang itinatago sa mga pribadong bahagi ng kanilang katawan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *