Isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA lalakas pa at posibleng maging super typhoon; papasok ng PAR bukas (Nov. 14)

Isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA lalakas pa at posibleng maging super typhoon; papasok ng PAR bukas (Nov. 14)

Isa pang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ang sentro ng Tropical Storm Man-Yi ay huling namataan sa layong 2,210 kilometers East ng Eastern Visayas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, base sa kasalukuyang galaw ng bagyo, papasok ito sa Phillippine Area of Responsibility (PAR) bukas (Nov. 14) ng gabi at papangalanang “Pepito”.

Ngayong araw, lalakas pa ang bagyo at magiging severe tropical storm.

Bukas ay aabot pa ito sa typhoon category at habang nasa Philippine Sea ang bagyo, maaari pa itong umabot sa super typhoon category.

Posible ding tumama ang bagyo sa kalupaan ng Northern o Central Luzon sa Linggo (Nov. 17).

Ayon sa PAGASA, maaari ding maapektuhan ng bagyo ang Southern Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *