Bagyong Ofel naging typhoon na; Signal No. 1 nakataas sa 6 na lugar sa bansa

Bagyong Ofel naging typhoon na; Signal No. 1 nakataas sa 6 na lugar sa bansa

Lumakas pa ang bagyong Ofel at ngayon ay nasa typhoon category na.

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 475 kilometers East Northeast ng Virac, Catanduanes o sa layong 595 kilometers East ng Daet, Camarines Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Cagayan including Babuyan Islands
– northern and central portions of Isabela (Maconacon, San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Divilacan, Palanan, Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Roxas, San Guillermo, Luna, Delfin Albano, City of Cauayan, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, Tumauini, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Gamu, Mallig, Burgos)
– Apayao
– eastern portion of Kalinga (Rizal, City of Tabuk, Pinukpuk)
– easternmost portion of Mountain Province (Paracelis)
– easternmost portion of Ifugao (Alfonso Lista)

Ayon sa PAGASA, inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan o Isabela ang bagyo bukas (Nov. 14).

Sa susunod na 24 na oras ay inaasahang lalakas pa ang bagyo.

Ngayong araw, magdudulot ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cagayan at Isabela. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *