Command Center ng MMDA gagamiting hub ng Comelec para sa 2025 elections

Command Center ng MMDA gagamiting hub ng Comelec para sa 2025 elections

Pinirmahan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes at Commission on Elections (COMELEC) Chairman Atty. George Erwin Garcia ang Memorandum of Agreement [MOA] upang gamitin ang MMDA Communications and Command Center, manpower, equipment, at resources para sa National and Local Elections sa taon 2025.

Ang kasunduan sa pagitan ng MMDA at COMELEC ay mahalagang hakbang sa pagtiyak sa maayos at patas na proseso ng halalan.

Sa ilallim ng MOA, gagamitin ang MMDA Communications and Command Center (CCC) bilang hub ng COMELEC para sa maayos na koordinasyon ng mga aktibidad nito.

Binigyang-diin ni MMDA Chairman Artes ang kahalagahan ng pagsiguro sa maayos at seguridad sa pagsasagawa ng eleksyon at nangakong aalalay sa COMELEC tungo sa epektibong implementasyon ng kolaborasyon.

“We will give COMELEC access to MMDA CCC and MMDA Mobile Command Center to facilitate real-time monitoring. We will also provide our equipment such as deployable cameras and body-worn cameras, radios, and other communication devices to be deployed in critical areas for election-related monitoring and communication activities during the midterm elections next year,” ani Artes.

“Also, aside from the deployment of our trained personnel for traffic assistance, MMDA will assign necessary manpower to assist election officers of the NCR and COMELEC Main Office in carrying out the tear down and removal of unlawful election materials,” dagdag pa ni Artes.

Magtatalaga ang MMDA ng kinatawan upang magbigay ng logistical assistance sa COMELEC Command Center, Final Testing and Sealing (FTS), International Observation, Mock Elections, at iba pang katuad na mga aktibidad para sa NLE 2025. Bukod dito, ang MMDA officers ay magbibigay ng storage para sa kumpiskadong kung kinakailangan.

Nagpasalamat naman si Chairman Garcia sa MMDA sa hindi matatawarang suporta sa komisyon.

“Every election, we have always been collaborating with MMDA. I want to take this opportunity to express my gratitude to Chairman Artes for allowing us to use the agency’s resources for operations here in Metro Manila so that we can effectively ensure transparency throughout the election period,” sabi ni Garcia.

Ang COMELEC ay magtatalaga ng computer station sa Command Center na gumagarantiya sa wasting paggamit ng mga pasilidad at koordinadong technical assistance, equipment, transportation, at storage devices sa docking stations.

Kapwa mga opisyal ng MMDA at COMELEC ang mananawagan sa lahat ng kandidato at sa publiko na sumunod sa panuntunan at maging responsabke sa pagpapaskil ng election materials. Ang COMELEC naman ang tutukoy kung labag sa batas ang election materials habang mag-aasiste ang MMDA sa pagbabaklas ng mga materyales na ito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *