DMW nagbabala kontra illegal recruiters sa SocMed
Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko laban sa mga illegal recruiters na naglipana sa social media at ibang online platforms.
Narito ang limang paalala ng DMW upang hindi mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking:
1. Mag-ingat sa too good to be true na job offers o mga alok na sobrang taas na suweldo at benepisyo. Magtanong sa DMW kung may pag-aalinlangan sa alok na trabaho.
2. Iwasan ang mga job offers na natatanggap sa email at mga advertisement sa social media lalo na yung mg humihingi agad ng pera.
3. Mag-apply lamang sa mga opisina ng mga licensed recruitment agencies na may aprubadong job order mula sa DMW.
4. Tiyaking hindi hihigit sa isang buwang suweldo ang placement fee. Palaging manghingi ng official receipt sa anumang babayaran.
5. Siguraduhing work visa o work permit ang hawak bago magtrabaho abroad. (Hindi student, tourist, o visit visa).
Ugaliin na i-verify muna sa DMW kung lisensyado ang agency at mga agents nito upang matiyak kung totoo ang pangakong trabaho abroad.
Narito naman po ang link para i-verify kung lisensyado ang inyong preferred agency: https://dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies
Maaari niyo ding i-check ang mga approved job orders (per country, per position, or per agency) sa link na ito: https://dmw.gov.ph/approved-job-orders
Maging matalino at huwag magpaloko, Kabayan!
Isumbong sa ating DMW Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) ang anumang kahina-hinalang illegal recruitment sa inyong lugar o mga fake overseas job posting sa social media. Makipag-ugnayan po sa DMW sa contact details na ito:
Tel. No.: (02) 87210619
Email: airtipinfo@dmw.com.ph
FB Messenger: DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program (Bhelle Gamboa)