Sasakyan ng PDEA na walang rehistro at peke ang lisensya ng driver, huli sa pagdaan sa EDSA Busway
Hinarang at tiniketan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumaan sa EDSA busway umaga ng Martes, Nobyembre 12, 2024.
Ayon sa ulat ng SAICT, bukod sa peke ang lisensyang dala ng driver, wala rin itong dalang rehistro ng sasakyan.
Kasama din sa inisyuhan ng tiket ang convoy nitong motorsiklo na pag-aari rin ng PDEA.
Aminado ang driver na dumaan sila sa busway dahil bahagi sila ng isang operasyon.
Pero ayon sa Department of Transportation (DOTr) at SAICT, hindi sapat ang nasabing dahilan.
Hiniling na ng SAICT sa Land Transportation Office (LTO) na mag-isyu ng Show Cause Order at hingin ang paliwanag ng driver at mga kasamahan nito dahil sa ginawang paglabag. (DDC)