Isa pang bagyo na nasa labas bansa lumakas pa; papasok sa PAR bukas (Nov. 12)

Isa pang bagyo na nasa labas bansa lumakas pa; papasok sa PAR bukas (Nov. 12)

Lumakas pa ang isang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ang tropical depression ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,480 kilometers east ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pabugso na aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Ayon sa PAGASA, mananatili ang ganitong galaw ng bagyo at inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas (Nov. 12) ng umaga at papangalanang “Ofel”.

Inaasahan ding tatama sa kalupaan ng Northern o Central Luzon ang bagyo sa Huwebes (Nov. 13) o Biyernes (Nov. 15).

Posible ding lumakas pa ang bagyo sa susunod na tatlong araw at maaaring umabot sa Typhoon category. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *