Panibagong LPA papasok sa bansa, posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA
Panibagong LPA papasok sa bansa, posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA
Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang LPA ngayong Biyernes (Nov. 8) ng gabi o sa Sabado (Nov. 9) ng umaga.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,975 kilometers east ng Southern Luzon.
Sinabi ng weather bureau na may posibilidad na mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA.
Inaasahan ding maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Luzon sa susunod na mga araw. (DDC)