Higit P10-milyong halaga ng iligal na droga mula Amerika nasabat sa warehouse sa NAIA
Nasa kabuuang P10,015,600 na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa dalawang inbound parcel galing Amerika, sa warehouse sa NAIA complex sa Pasay City.
Unang naharang ang isang parcel na padala ng Ohio Tea Company na idineklarang herbal tea kung saan consignee ang isang Alfredo D. Roa ng Mayuga Street, Tambo, ParaƱaque City, kung saan naglalaman ito ng 3,570 gramo ng kush o high grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P4,998,000.
Isa pang parcel na padala ng parehong kumpanya at nakapangalan din kay Roa, na nakadeklarang Jasmine Pearls Green Tea ay naglalaman ng 3,584 gramo ng Kush na may halagang P5,017,600.
Agad na itinurn-over ng BOC NAIA ang narekober na droga sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. (Bhelle Gamboa)