Make up classes, Dynamic Learning Program ipatutupad ng DepEd sa mga paaralan na naapektuhan ng bagyo

Make up classes, Dynamic Learning Program ipatutupad ng DepEd sa mga paaralan na naapektuhan ng bagyo

Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng make up classes at Dynamic Learning Program (DLP) sa mga eskwelahan na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo at iba pang kalamidad.

Ayon sa DepEd, uumpisahan na ang pilot implementation ng DLP ngayong Nobyembre sa mga apektadong paaralan sa Regions I, II, III, IV-A, V, at CAR.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layunin ng DLP na magpatupad ng independent, resource-efficient learning upang matugunan ang pagkaantala ng mga klase dahil sa kalamidad

“We’re bringing resilience to the heart of learning so that no student’s education has to pause when challenges arise,” ani Angara.

Sa ilalim ng DLP, ang mga naapektuhang paaralan ay maaaring magsagawa ng make-up classes at gawin ang learning activity sheets sa mga temporary learning spaces.

Sinabi ng DepEd na ang mga activity sheets ay simple lamang, targeted, at adaptable.

Kasama sa programa ang pagkakaroon ng parallel classes, activity-based engagement, student portfolios, at reduced homework policy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *