Ashing events, 14 na volcanic earthquakes naitala sa Mt. Kanlaon

Ashing events, 14 na volcanic earthquakes naitala sa Mt. Kanlaon

Nakapagtala ng labingapat na volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Sa update mula sa Phivolcs, noong Miyerkules (Nov. 6) ay umabot sa 4,900 tonnes per day ang average ng Sulfur Dioxide na ibinuga ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, 5:55 ng umaga ng Huwebes (Nov. 7) nakapagtala ng ashing event sa bulkan.

Naglabas ang bulkan ng grayish plumes na umabot sa 500 meters ang taas mula sa crater nito.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Mt. Kanlaon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *