Pangulong Marcos binati si US President Donald Trump
Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si US President Donald Trump sa pagkakapanalo nito sa katatapos na eleksyon.
Binati din ni Pangulong Marcos ang mamamayan ng Amerika kasunod ng idinaos na halalan.
“President Trump has won, and the American people have triumphed. I congratulate them on their victory in an exercise that showed the world the strength of American values,” ayon sa pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi ng pangulo na inaasahan na nito ang pakikipagtulungan kay President Trump sa iba;t ibang mga usapin na pakikinabangan ng dalawang bansa.
“I am hopeful that this unshakeable alliance, tested in war and peace, will be a force for good, blazing a path of prosperity and amity in the region and on both sides of the Pacific,” dagdag ng pangulo.
Sinabi ng pangulo na “fully committed” ang Pilipinas sa partnership nito sa US.
Tiwala si Pangulong Marcos na ang “robust leadership” ni Trump ay magreresulta sa mas magandang kinabukasan para sa lahat. (DDC)