Comelec information drive umarangkada sa BuCor

Comelec information drive umarangkada sa BuCor

Mainit na tinanggap ng Bureau of Corrections ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa pangunguna ni Chairman George Erwin Garcia sa hindi matatawarang pangakong isulong ang demokrasya, sa ginanap na voter education activity para sa persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang information campaign ng Comelec ay parte nito sa nalalapit na 2025 National and Local Elections,na humihimok sa partisipasyon ng mga botanteng PDL sa proseso ng halalan.

Sa mensahe ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ipinabatid ni Head Executive Assistant CTC Supt., Maria Fe Marquez na mahalaga ang pagtitipon ngayong araw upang ihanda ang PDLs na isakatuparan ang kanilang karapatang bumoto sa nalalapit na eleksiyon.

Binigyang-diin ni Catapang na ang aktibidad na ito ay kabilang sa pangako ng komisyon na magkaroon ng boses ang lahat ng Pilipino anuman ang kanilang katayuan sa buhay.

“This Voters’ Education Activity transcends mere participation for it embodies the rights to engage, to be well-informed, and to influence the future of our nation,” sabi ni Catapang.

Aniya mahalagang oportunidad para sa PDLs na maniwala na bahagi sila sa ating lipunan sa kabila ng pagkakabilanggo.

“At the Bureau of Corrections, we strongly advocate for rehabilitation and reintegration, with education playing a pivotal role in the process. The privilege to vote signifies a significant step towards reclaiming dignity and a sense of belonging. This endeavor not only focuses on understanding the complexities of voting but also on nurturing in PDLs the confidence that they are essential members of our society, capable of contributing to its progress, and that their voices matter,” ani Catapang.

Sa datos ng BuCor umaabot sa kabuuang 2,140 PDL ang rehistradong botante sa NBP. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *