Welfare initiatives at Development projects ng Las Piñas Sanggunian

Welfare initiatives at Development projects ng Las Piñas Sanggunian

Masusing tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ng Las Pin̈as sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar ang kapakanan ng Las Pin̈eros, usapin sa buwis, at mga proyektong pangkaunlaran sa ginanap na ika-106 na regular na sesyon.

Kasama rin sa pinag-usapan ng konseho ang balangkas ng isang ordinance na inendorso ni Konsehal Lord Linley R. Aguilar,na nagpapanukala sa pagtatatag ng City Registry System para sa mga kasambahay o domestic workers sa mga barangay sa lungsod.

Nilalayon ng ordinansa na isulong ang kapakanan at proteksiyunan ang mga kasambahay maging ng kanilang employers o amo, na may kasamang mekanismo para sa epektibong implementasyon nito.

Pinag-aralan din ng Las Pin̈as Sanggunian ang kontrata mula sa Office of the City Engineer kaugnay sa konstruksiyon ng 10-storey o sampung palapag na DFCAMCLP Building sa Barangay Talon Dos. Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng halos P100-milyon na nakatakdang isagawa ng KME Design and Construction at naghihintay na lamang ng ratipikasyon ng konseho.

Saklaw ng sesyon ang mga kahilingan para sa waivers of penalties and interest sa mga negosyo at pagsasalin ng buwis.

Ang Joint Committees on Appropriations and Ways and Means kasama ang Laws, Rules, and Privileges, ay inirekomenda ang pag-aapruba sa mga nasabing kahilingan at tiniyak ang tax relief para sa mga apektadong indibiduwal at negosyo.

Kabilang sa committee reports ang pag-apruba sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region at ng Las Piñas LGU para sa 14th cycle ng Supplementary Feeding Program para sa kapakanan ng mga batang Las Pin̈eros.

Isa pang mahalagang panukala ay ang balangkas ng ordinansa na nagbabawal sa mga menor-de-edad na maka-access sa alak at pagmultahin ang mga establisyimentong mapatutunayang lumabag.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng ratipikasyon sa mga kontrata para sa mga proyekto sa lungsod at patuloy na pagpapatatag ng kaunlaran sa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *