Mahigit P666M inihahanda na ng PCIC para sa mga insured

Mahigit P666M inihahanda na ng PCIC para sa mga insured

Pinamamadali ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpapalabas ng insurance claims para sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Kristine.

Ayon kay Laurel, aabot sa P666.5 million ang inisyal na halaga ng babayaran ng Philippine Crop Insurance Corporation o OCIC sa para sa mga nasirang pananim.

Sa report ni PCIC President Jovy Bernabe kay Tiu, lumalabas sa assessment ng mga insured farms mula October 22 hanggang 25 na nasa 86,066 magsasaka ang naapektuhan at nasira ang mga pananim.

Inatasan ni Tiu ang PCIC na bilisan ang pag-proseso sa insurance claims, ibigay ang lahat ng posibleng tulong upang maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka, at maghanda na para sa mga pinsalang idudulot ng mga kasunod pang bagyo.

Upang mapabilis pa ang pagbangon ng mga naapektuhanng magsasaka, inatasan ni Tiu ang lahat ng ahensya ng DA na magsagawa ng mabilis na assessments upang makapaghatid agad ng tulong ang kagawaran. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *