Coast Guard nakapagtala ng mahigit 300K na pasahero na bumiyahe sa mga pantalan ngayong umaga

Coast Guard nakapagtala ng mahigit 300K na pasahero na bumiyahe sa mga pantalan ngayong umaga

Umabot sa mahigit 300,000 pasahero ang bumiyahe sa mga pantalan sa bansa simula madaling araw ng Lunes (Nov. 3).

Ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) nakapagtala ng 184,597 outbound passengers at 156,856 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa.

Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024, nagtalaga ang PCG ng 4,334 na frontline personnel sa labinganim na PCG Districts.

Nakapag-inspeksyon ang mga tauhan ng Coast Guard ng 1,674 vessels at 1,742 motorbancas.

Mananatiling nakataas ang heightened alert sa lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG hanggang sa Nov. 5, 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *