3 suspek arestado sa armed robbery sa Parañaque City

3 suspek arestado sa armed robbery sa Parañaque City

Dahil sa mabilis na pagresponde ng nga tauhan ng Parañaque City Police,nadakip ang tatlong suspek na sangkot umano sa pagnanakaw sa isang bahay sa Multinational Village nitong visperas ng Undas.

Ayon sa natanggap na report ni Southern Police District (SPD) District Director, Brigadier General Bernard R. Yang, nakunan sa CCTV camaera na anim na armadong lalaking suspek ang pumasok sa parking lot ng bahay na nasa intersection ng Matthew Street at Multinational Avenue.

Ang nga biktima ay dalawang Chinese nationals at apat na Pilipinong stay-in sa naturang bahay, na pawang tinutukan ng baril,ginapos gamit ang duct tape maging ang guwardiya na si S/G Julius bago pinasok ng mga salarin ang master bedroom.

Pinagbantaan umano ang pangunahing biktima na si Lin, isang Chinese national at pinuwersahang pinabuksan ang isang vault kung saan tinangay ng mga suspek ang tinatayang ₱700,000 na cash, ₱280,000 na cash mula sa biktimang Chinese na si Yu at iba’t ibang alahas na nagkakahalaga ng ₱400,000.

Kaagad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang Sedan ng Multinational Gate 1.

Sa pamamagitan ng koordinadong follow-up operations ng intelligence at operational teams ng Parañaque PNP ay natunton nila ang galaw ng sasakyan ng mga suspek.

Batay sa testimonya ng saksi, ito ay nagresulta sa pagtukoy sa isang suapek na si alyas Brian.

Bilang resulta sa masigasig na imbestigasyon, naaresto ng otoridad anv tatlong suspek na sina alyas Brian,38-anyos;alyas John, 33-anyos, at alyas Jevic,29-anyos, pawang mga drivers ng nabanggit na dalawang Chinese victims.

Tinutugis na rin ng otoridad ang tatlo pang natukoy na suspek na sina alyas Ruel (40), alyas Ramel (40), at alyas Agustin (37).

Sinampahan ang mga suspek ng reklamong robbery laban sa nga suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *