P10M na halaga ng high-grade marijuana, nakumpiska sa parcel sa NAIA
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng high-grade marijuana o “kush”.
Isinailalim sa physical examination ang kargamento at doon natuklasan na naglalaman ito ng 7,154 grams ng kush na tinatayang nagkakahalaga ng P10,015,600.
Dinala na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang marijuana.
Inihahanda na din ang pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (DDC)