Mas maraming bilang ng pasahero, bibiyahe sa mga paliparan ngayong Undas holiday season – BI
Mas maraming pasahero ang inaasahang bibiyahe ngayong taon para sa Undas holiday season kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI), Commissioner Joel Anthony Viado inaasahan ang pagtaas ng datos sa international travel kung saan tinataya ang daily departures ay aabot sa 43,000 hanggang 48,000 na pasahero mula October 31 habang ang daily arrivals ay tinatayang nasa 41,000 hanggang 47,000.
Sa rekord ng BI noong nakaraang undas season umabot sa 37,000 ang average ng mga umalis na pasahero at 36,000 naman ang arrivals.
Ayon kay Viado, handa na ang ahensya para sa pagdagsa ng mga pasahero.
Nag-deploy ang BI ng 58 bagong immigration officers na kabilang sa mga nagtapos noong nakaraang October 29.
“We have ramped up our operations at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) with additional personnel to maintain a smooth flow of passengers,” ayon kay Viado.
Nag-deploy din ang BI ng mga tauhan nito mula sa main office para tumulong sa airport operations.
Hindi rin papayagang mag-leave ang mga frontline officer ng ahensya. (DDC)