Masikip na daloy ng trapiko asahan sa NLEX sa Biyernes (Nov. 1)
Inabisuhan ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang mga motorista sa magaganap na aktibidad sa Philippine Arena sa Biyernes, Nov. 1.
Ayon sa NLEX, magkakaroon ng event ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa Philippine Sports Stadium mula 5:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.
Pinayuhan ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa kanilang biyahe dahil aasahan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Maaari ding gumamit ng alternatibong ruta para hindi maabala.
Pinayuhan din ng NLEX ang mga motorista na tiyakin na mayroon silang sapat na load sa kanilang RFID accounts. (DDC)