Illegal recruiter, arestado sa Zamboanga City

Illegal recruiter, arestado sa Zamboanga City

Nadakip ng mga otoridad sa Zamboanga City ang isang suspek na sangkot umano sa syndicated illegal recruitment ng limang biktima na patungo sanang Laos para magtrabano bilang scammer.

Nakatakda sanang sumakay ng ferry ang mga biktima papuntang Tawi-Tawi kung saan mula doon ay bibiyahe sila at tatawid sa mga karatig-bansa bago makarating sa Laos.

Nagkasa ng interception/rescue operation ang Philippine National Police – Women and Children Protection Center-Mindanao Field Unit (PNP- WCPC-MFU), kasama ang Philippine Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek na si si Regie Dando at pagkakasagip sa mga biktima.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ang operasyon ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang masugpo ang illegal recruitment at human trafficking upang masigurong ligtas ang mga biktima at mahuli ang mga nasa likod ng krimen.

Paalala ng DMW na maging matalino at huwag magpaloko sa mabilisang pagproseso ng dokumento at paggamit ng backdoor exit para makaalis ng bansa at magtrabaho abroad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *