Dating Pangulong Duterte inako ang responsibilidad sa ipinatupad na war on drugs sa ilalim ng kaniyang administrasyon

Dating Pangulong Duterte inako ang responsibilidad sa ipinatupad na war on drugs sa ilalim ng kaniyang administrasyon

Inako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang “full responsibility” sa ipinatupad na war on drugs noong panahon ng kaniyang administrasyon.

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, idinepensa ng dating pangulo ang drug war.

Ayon sa dating pangulo, inaako niya ang buong responsibilidad sa mga nagawa ng mga pulis na base sa kaniyang kautusan.

Sinabi ng dating pangulo na ang pagpapatupad ng war on drugs ay layong protektahan ang bansa at ang mga mamamayan.

Ang layunin aniya ng war on drugs ay para protektahan ang mga inosente at mga walang kalaban-laban.

Layunin din nitong masugpo ang ilegal na droga gaya ng shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs at iba pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *