Bagyong Leon lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyong Leon lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Leon at nasa Severe Tropical Storm category na.

Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Leon ay huling namataan sa layong 735 kilometers East ng Casiguran, Aurora o sa layong 780 kilometers East ng Echague, Isabela.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Cignal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– Cagayan kabilang Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Abra
– Apayao
– Kalinga
– eastern portion ng Mountain Province (Natonin, Paracelis)
– eastern portion ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)
– eastern portion ng Quirino (Maddela)
– northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
– northern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)

Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa Signal No. 3 or Signal No. 4 ang itaas sa mga maaapektuhang lugar partikular sa Extreme Northern Luzon.

Posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa Super Typhoon category.

Sa Biyernes inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Leon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *