Presyo ng produktong petrolyo tataas muli ngayong linggo
May bahagyang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis may dagdag na 50 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel at presyo ng kada litro ng kerosene.
May dagdag naman na 20 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Epektibo ang dagdag presyo Martes (Oct. 28) ng umaga. (DDC)