Bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine umakyat na sa 116 – NDRRMC
Umabot na sa 116 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine sa bansa.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroon ding 109 na nasugatan at 39 pa ang iniulat na nawawala.
Sinabi ng NDRRMC na nakapagtala ng mahigit 6.7 million na katao na naapektuhan ng bagyo.
Sa nasabing bilang, 980,000 ang kinailangang ilikas kung saan mayroon pang mahigit 561,000 pa ang nananatili sa mga evacuation center.
Umabot sa 871 na lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa. (DDC)