NCRPO mabilis na umaksyon sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Metro Manila

NCRPO mabilis na umaksyon sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Metro Manila

Agad na umaksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng liderato ni Acting Regional Director Major General Sidney Hernia upang siguruhin ang kaligtasan ng publikobat mapanatili ang kaayusan sa buong Metro Manila sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Dahil sa malalaakas na ulan na posibleng magpabaha sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ay agad pinakilos ni MGen Hernia ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng NCRPO na naglalagaysa mga tauhan nito sa heightened alert upang epektibong rumesponde sa anumang emergencies.

Hatinggabi ng October 22, 2024, dineploy nito ang 875 RSSF personnel sa mga kritikal na lugar, kasama ang 466 officers na itinalaga sa mga evacuation centers at key installations sa buong Metro Manila. Ang nasabing mga opisyal ay handang umasiste sa rescue, relief, at recovery operations, para tiyakin ang mabilis na pagresponde sa mga biglaang sitwasyon.

Malapit din ang pagtutulungan ng NCRPO sa mga local government units at iba pang ahensiya para paghandaan ang bagyo, kasama na rito ang 598 evacuation centers na nakahandang tumanggap ng mga maapektuhang indibiduwal at pamilya dahil sa masamang panahon.

Bagamat walang malalaking insidente na napaulat,nananatiling mapanuri ang otoridad at patuloy ang pagmomonitor na isinasagawa ng Regional Tactical Operations Center (RTOC) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ayon pa sa NCRPO, sa kanselasyon ng flights umabot sa 936 na pasahero ang nanatiling stranded sa mga paliparan o airports, kung saan may mga idineploy din na tauhan upang tiyakin ang kanilang kaligtasan at seguridad.Nabatid na anim pang flights ang nakanse dahil pa rin sa masamang panahon.

Kabilang sa heightened alert status ng NCRPO ang malapit na monitoring sa batas at kaayusan bilang pagsiguro na mabilis tugunan ang anumang insidente ng pagnanakaw o kaguluhan.

Nagsasagawa rin ng tuluy-tuloy na assessments habang nakastandby ang PNP facilities at personnel na umalalay sa publiko at maibsan ang epekto ng bagyo.

Sa kolaborasyon sa disaster response teams, tiniyak ng NCRPO sa publiko na ginagawa nila ang mga posibleng hakbang para sa kaligtasan ng lahat sa kasagsagan ng bagyong Kristine.

Pinaalalahanan din ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa otoridad upang mapaigting ang kanilang kaligtasan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *