Rescue at emergency equipment ng MMDA handa nang ipadala sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine

Rescue at emergency equipment ng MMDA handa nang ipadala sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., on-standby na at handa nang i-deploy ang mga assets at rescue personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumulong sa mga apektado ng bagyong Kristine.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang inspeksyon sa mga rescue at emergency equipment na nakahandang ipadala sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Ayon kay Artes, makikipag-ugnayan ang ahensiya sa Office of the Civil Defense (OCD) at Departament of Social Welfare and Development (DSWD) para sa lugar kung saan ide-deploy ang mga assets gaya ng mga bangka, water purifiers, chainsaw, dump trucks, at ambulansya.

Naka-monitor din ang ahensiya sa lagay ng panahon at sitwasyon sa mga kalsada sa Metro Manila sa Inter-agency Emergency Operations Center sa Communications and Command Center ng ahensiya sa Pasig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *