Angat Buhay Foundation nanawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine
Nanawagan ng in-kind donation si dating Vice President Leni Robredo para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Sa post sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Robredo na tumatanggap na ng in-kind donation ang Angat Buhay Foundation.
Ang mga donasyon ay maaaring dalhin sa Museo ng Pag-asa, 84 Cordillera St., Sta Mesa Heights, Quezon City.
Kabilang sa pangunahing kailangan ay mga pagkain gaya ng bigas, de lata, instant noodles, boscuits, at bottled water.
Maaari ding mag-donate ng hygiegne kits, gaya ng sabon, toothbrush at toothpaste, shampoo, sanitary napkins at diapers.
Ayon kay Robredo, araw-araw na bibiyahe ang kanilang truck mula Quezon City patungo ng Naga City para mag-deliver ng relief goods. (DDC)