Mahigit 3,400 na katao stranded sa mga pantalan sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kristine

Mahigit 3,400 na katao stranded sa mga pantalan sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Kristine

Umabot na sa 3,418 ang bilang ng mga pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Luzon at Visayas.

Ito ay dahil sa epekto ng bagyong Kristine.

Ayon sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG), mayroong 670 rollling cargoes, m26 na barko, at 11 motorbancas ang stranded ngayon at hindi pinapayagang makapaglayag.

Habang mayroon namang 57 barko at 67 motorbancas ang pansamantalang nagkanlong sa ligtas na lugar.

Ang mga stranded ay nasa mga pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Bicol, at Eastern Visayas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *