US Pres. Joe Biden nagpaabot ng pagbati sa paggunita ng Filipino-American History Month

US Pres. Joe Biden nagpaabot ng pagbati sa paggunita ng Filipino-American History Month

Binati ni US President Joe Biden ang mga Filipino sa paggunita ng Filipino-American History Month.

Ayon kay Biden sa nakalipas na ilang daang taon, maraming Filipino at Filipino-Americans ang bahagi ng kasaysayan ng Amerika at nasa iba’t ibang larangan.

Kabilang dito ang mga Filipino at Fil-Am na community leaders, first responders, service members, atleta, artists, entrepreneurs, engineers, public servants, health care workers at maraming iba pa.

“Filipinos and Filipino Americans have enriched the very essence of America. This Filipino American History Month and always, I hope each one of you feels pride – not only in your achievements and aspirations, but also in the dreamers and doers around you,” ayon sa pahayag ni Biden.

Ayon kay Biden malaki ang kontribusyon ng mga Filipino at Fil-Am na patuloy na nangangarap at kumikilos upang maabot ang kanilang pangarap upang makamit ng Estados Unidos ang pagiging isang “great nation”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *