LGUs inatasan ng DILG na maging alerto sa epekto ng bagyong Kristine
Pinaalalahanan ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla ang mga local government units (LGUs) na maging handa sa bagyong Kristine.
Ayon kay Remulla, sapol ng bagyo ang buong silangan ng Luzon mula Aparri hanggang Legazpi at mga karatig na lalawigan.
Sinabi ng kalihim na inabisuhan na ng DILG ang bawat LGU na maghanda at bantayan ang epekto ng bagyo.
Inabisuhan din ng DILG ang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils na regular na magpatawag ng pulong para masiguro ang kahandaan at agarang magresponde.
Inatasan din ang mga LGU na i-activate ang kanilang barangay DRRMCs para sa early warning measures.
Kung kakailanganin sinabihan din ni Remulla ang mga LGU na magpatupad ng LGUs preemptive o mandatory evacuation sa mga lugar na prone sa storme surge, pagbaha at landslides. (DDC)