Bagyong Kristine napanatili ang lakas; Signal Number 1 nakataas sa 20 lugar sa bansa
Napanatili ng Tropical Depression Kristine ang lakas nito habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 870 kilometers East ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– Masbate
– Ticao Island
– Burias Island
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Camarines Norte
– eastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres)
Visayas
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Leyte
– Biliran
– Southern Leyte
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Siargao
– Bucas Grande Group
Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm sa susunod na 12-oras.
Maaari ding magtaas ng storm warning signal na aabot sa signal number 4. (DDC)