ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao; Northern at Central Luzon apektado ng Amihan

ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao; Northern at Central Luzon apektado ng Amihan

Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang buong Mindanao.

Habang Northeast Monsoon naman o Amihan ang umiiral sa Northern at Central Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, January 5, 2021, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro at Palawan dahil sa ITCZ.

Maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Northern Quezon dahil sa Amihan.

Habang bahagyang maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at sa nalalabing bahagi ng CALABARZON.

Sa iba pang bahagi ng bansa, localized thunderstorms lamang ang iiral ayon sa PAGASA. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *