LOOK: Zipper lanes sa Commonwealth Avenue binuksan na
Bukas na ang zipper Lanes sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Simula alas-6:00 ng umaga ngayong Lunes, January 4 ay binuksan na ng QC Government sa pahintulot ng MMDA ang zipper lanes para maibsan ang trapik patungo sa Quezon Memorial Circle.
Para sa mga motorista na patungo ng C.P Garcia, Katipunan-C5 o East Avenue at Quezon Avenue, maaaring gamitin ang zipper lanes sa: (1)Luzon Avenue-Tandang Sora Avenue area at (2) sa tapat ng UP-Ayala Technohub.
Stop and go scheme naman ang ipinapatupad naman sa may University Avenue kapag galing sa Quezon Memorial Circle. (D. Cargullo)