Easterlies, Northeast Monsoon umiiral sa bansa – PAGASA
Dalawang weather system ang binabantayan ng PAGASA sa bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Northeast Monsoon ang Northern at Central Luzon.
Easterlies naman ang nakaaapekto sa eastern sections ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, January 4, ang Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at SOCCSKSARGEN ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora ay makararanas din ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Amihan din ang magdudulot ng isolated na mga pag-ulan sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (D. Cargullo)