Pang. Marcos nagtakda ng Centennial Year para sa master weaver na si Magdalena Gamayo
Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Agosto 13, 2024 hanggang Agosto 12, 2025 bilang centennial year para sa master weaver na si Magdalena Gamayo.
Base ito sa Proclamation No. 664 o “Centennial Year of Manlilikha ng Bayan Magdalena Gamayo.”
Si Gamayo ay isang national living treasure at awardee ng Gawad Manlilikha ng Bayan (GAMABA).
Master si Gamayo sa paglikha ng sariling patterns ng Ilocano Abel.
Nagdiwang si Gamayo ng ika-100 kaarawan noong Agosto 13.
Inaatasan ang National Commission for Culture and the Arts na pangunahan, makipag-ugnayan sa ibang tanggapan at pangasiwaan ang paggunita sa Centennial Year of Manlilikha ng Bayan Magdalena Gamayo.
Pinatutukoy din sa NCAA ang mga programa at aktibidad na maaring gawin para ipagdiwang ang taon ni Gamayo.
“All agencies and instrumentalities of the National Government, including government-owned or -controlled corporations, state universities and colleges, are hereby enjoined, and all local government units, non-government organizations, as well as the private sector, are hereby encouraged, to render the necessary support and assistance to the NCCA, and to actively participate in the observance of the Centennial Year of Manlilikha ng Bayan Magdalena Gamayo,” saad ng proklamasyon. (CY)