Pangulong Marcos nagpaabot ng pagbati sa anibersaryo ng INC
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-110 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC).
Sa kaniyang mensahe, inilarawan ng pangulo na “makasaysayan” ang pagdiriwang ng anibersaryo ng INC.
Binanggit ng pangulo ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya at dedikasyon na ipinamamalalas ng mga miyembro ng INC.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang kanilang walang sawang paglilingkod at pagdalo sa mga gawain ay pagpapakita lamang ng pagkakaisa, pag-unlad at mas malalim na pang-unawa bilang isang sambayanan.
Hinikayat ng pangulo ang lahat ng miyembro ng INC na patuloy pang pagtibayin ang kanilang pananampalataya at ipagdasal ang kinabukasan ng bansa.
“Sa bawat hakbang ng kabutihan at malasakit, maging instrumento nawa tayo ng pagbabago sa ating lipunan, at ating isakatuparan ang Bagong Pilipinas na makabubuti para sa lahat. Mabuhay tayong lahat sa Liwanag ng pagmamahalan at pagtutulungan,” ayon kay Pangulong Marcos. (DDC)