Pagbabawal sa mass gathering at non-essential travel sa Davao City pinalawig hanggang June 30
Pinalawig pa hanggang June 30, 2021 ang pagbabawal sa mass gathering at non essential travel sa Davao City.
Ayon sa Executive Order No. 69 na nilagdaan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang pagbabawal sa mass gatherings at non-essential travel sa lungsod ay epektibo pa mula December 31, 2020 hanggang sa June 30, 2021.
Bunsod ito ng patuloy na pagdami ng kaso ng sakit na nagresulta na sa full bed occupancy sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) at sa Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) ng lungsod.
Sa ilalim ng EO, inaatasan din ang lahat na magsuot ng face masks, pairalin ang physical distancing at palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
Hinihikayat din ang lahat na magsuot lagi ng face shields. (D. Cargullo)