Coast Guard nakapagtala ng mahigit 1,500 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan
Simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Jan. 1, 2021 umabot sa mahigit 1,500 ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan.
Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020 ng Coast Guard, mayroong 938 na outbound passengers at 656 inbound passengers ang kanilang na-monitor.
Mayroong 1,332 na tauhan ng Coast Guard na nakakalat sa mga pantalan sa bansa.
Nagsagawa sila ng inspeksyon sa nasa 61 mga barko at 22 motorbancas. (D. Cargullo)