US President Joe Biden nagpositibo sa COVID-19
Inanunsyo ni US President Joe Biden na nagpositibo siya a COVID-19.
Sa kaniyang post sa X na dating Twitter, sinabi ng US President na maayos naman ang kaniyang kondisyon.
Ayon kay Biden, sasailalim siya sa isolation hanggang sa maka-recover.
Habang naka-isolate, sinabi ni Biden na magpapatuloy ang pagganao niya sa kaniyang tungkulin.
Sa pahayag naman na inilabas ng White House, sinabing nakararanas si Biden ng mild symptoms matapos magpositibo.
Kabiang dito ang runny nose at non-productive cough.
Nananatili naming normal ng kaniyang respiratory rate at temperature. (DDC)